Talaga bang kailangan natin ang wastong nutrisyon? Ano naman ang naitutulong o naibibigay ng ito sa atin?
Sa panahon natin ngayon marami na ang mga nagkakaroon ng mga sakit at dahil dito higit ang ating pag iingat sa ating sarili pero hindi sapat ang pagliligo natin araw araw at pagtulog sa tamang oras,kailangan din natin ng wastong nutrisyon. Ang wastong nutrisyon ay dapat nating isaalang alang para hindi tayo kapitin ng mga naglalabasang mga sakit ngayon. Kung mayroong wastong nutrisyon , ang ating mga katawan ay may malakas, malusog, maliksi, malakas na resistensiya. Kung mayroon na tayong ganitong pangangatawan ay malayo na tayo o maiiwasan na natin ang mga sakit na naglalabasan ngayon. At kung wala tayong tamang nutrisyon, tayo ay sakitin, matamlay at ang ating kilos ayb walang kasigla sigla at kung tayo ay may ginagawa madali tayong napapagod.
Kaya ang payo ko kapwa mag aaral na tayo ay kumain ng masusustansiyang pagkain o kaya ating isagawa ang wastong nutrisyon sa ating mga sarili para mga sakit ngayon ay ating maiwasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment